The Author


The Author
God's beloved since 1993.
Daughter of a KING. Therefore, a PRINCESS.
Romans 8:38-39

Tuesday, December 07, 2010 @ 1:51 AM | leave a comment ( 0 )
Nostalgic. Ganyan ang pakiramdam ko ngayon. Ganun naman lagi. Kahit anong araw o okasyon, may maaalala ako lagi. At sa tuwing magiging nostalgic ako, halu-halo rin ang mga emosyon na nararamdaman ko. Lungkot, saya, panghihinayang, kung minsan tampo at sama ng loob. Ganun naman kasi talaga. Halos lahat nga naman kasi maaalala mo, kahit yung di magagandang alaala.

Kanina lang dalawang kamag-aral ko nung elementary days ko ang nakausap ko. Yung isa, as in never ko na nakausap after Grade 3. Yung isa naman, sobrang dalang kung magka-usap kami. Nakakatuwa kasi, kahit gaano katagal na kaming di nagkikita ng mga taong to, nagawa pa rin naming kausapin at kumustahin ang isa't-isa. Para bang nagbakasyon kami at nagtatanungan kung masaya ba o hindi ang naging bakasyon namin. Masaya kasi, finally, nakausap ko sila. Masaya kasi naaalala ko mga panahong kasama ko sila. Nung wala pa kami halos kamalay-malay sa mundo. Nene at totoy pa kami. Walang iniintindi kundi mag-laro, manood, matulog at kung ano pang gawain ng mga musmos pa lamang. Siguro paminsan-minsan ay iisipin namin ang mga asigantura namin at mga pagsusulit. Pero noon kasi, masaya lang. Madalang lang kami malungkot. Siguro pag naagawan lang ng chcocolate o kaya hindi nabili ang gusto namin o di naman kaya ay pilit kaming pinapakain ng gulay at iba pang may posibilidad na makapagpalungkot sa amin.

Nakakamiss yung panahong yun, sobra. Ngayon kasi, kumplikado na ang buhay. Ngayon di na lang simple ang mga bagay na ikinalulungkot namin. May mga nabigo sa pag-ibig, may mga problema sa pamilya, sa kaibigan, sa pinansiyal na pangangailangan, sa kinabukasan. Di na lang kasi puro laro, minsan kailangan ring magseryoso na. Yung bang di na puro pang-sariling satispaksyon ang iniisip namin kundi para na rin sa nakararami.

Nalulungkot ako kasi yung dating samahan di na tulad ng dati. Madami ng nagbago at marami na ring bago. Nagbagong ugali, nagbagong itsura, nagbagong personalidad. Bagong kaibigan, bagong kapaligiran, bagong paninindigan at bagong pinaniniwalaan. At dahil sa mga ito, nakakalimutan na namin o naiiwan ang mga bagay na dating kay importante samin ngunit ngayon ay parang basura na lang kung itrato namin. Dati mongbestfriend , pero ngayon ni hi or hello, ni text, tawag o email, wala. Dahilan kasi, lagi na naman kami nagkikita niyan, dito na lang ako sa iba. Dati kang nasa ibabaw ng mga taong prinaprayoridad niya ngayon nasa ibaba ka na. Parang back to zero. Di ka na kilala. Kilala ka man pero parang balik sa dati. Nawala na ang paglalambing, pagmamahal at saya na nararamdaman sa tuwing nakakasama mo ang taong yun.

Dati-rati kayo ang solid pero nung nag-highschool na unti-unti ng nawala sabay nagkolehiyo kayo pareho. BOOM. Wala na text o PM o chat o email. Pwera na lang kung may mauna sa inyong dalawa ay saka lamang kayo magkaka-usap. Di na nagbibigay ng effort sa pagkakaibigan. Hindi niyo nararamdamn pero unti-unting nagiging kaibigan na lang sa pangalan at hindi na sa gawa. May matawag ka lang na friend, okay na.

Naisip ko lang naman to kasi namimiss ko na kayo. Kung sino man kayo. Sa makababasa nito, sana kahit papaano ay may naibahagi ako. Sana hindi maging ganun ang maging relasyon mo sa mga taong nakapaligid sa'yo at minsang naging malaking parte ng buhay mo, at hindi katulad ng mga kakilala ko at maging ng isang katulad ko na nakakalimot na rin.

Madaling-araw na naman. Di naman ako makatulog.

Yung lang. Bow. ;))

P.S. Sorry naman daw sa mali-mali kong grammar. Nakakahiya. SHAKS. :">

Labels:



← OLDER POSTS | NEWER POSTS →