The Author


The Author
God's beloved since 1993.
Daughter of a KING. Therefore, a PRINCESS.
Romans 8:38-39

Saturday, November 20, 2010 @ 9:58 AM | leave a comment ( 0 )
BUHAY KOLEHIYO.

Di ko akalain yun na ang buhay ko ngayon. Dati-rati kasi iniisip ko pa lang yun. Iniimagine. Noon, pag sinabing kolehiyo, madami ako naiisip. Saan kaya ko mag-aaral? Anong course? Kakayanin ko kaya? Kakayanin kaya ng mga magulang ko? Magkakaroon kaya ako ng maraming kaibigan?

Nasagot naman ang lahat ng yun, though yung iba, tentative answers pa lang. Di kasi pwedeng pagsalitaan ng tapos yung iba kong katanungan. Tulad na lang kung kakayanin ko ba? Hindi naman lingid sa ilan na naging pangit ang unang semestre ko bilang isang kolehiyo. Sa sobrang pangit, muntikan akong mapatalsik sa unibersidad. Isang bagay na kahit ako ay nagulat at talaga namang hindi ko inaasahan. First time ko eeh. Hindi ko pa naman kasi nararanasan ang bumagsak ng kahit isang subject simula nung kinder ako hanggang highschool. Katunayan pa niyan, lagi ako nagmamartsa tuwing Marso noon. Except nga lang nung nasa Ikatlong Taon ako. Pero okay lang, tapos na yun. Naiiyak ko na naman yun. Nung Ikaapat na Taon naman, nakamartsa pa rin ako kahit wala akong rekognasyong matatanggap. Malamang, gradweyt ako eeh. Kahit yun lang, nagpasalamat pa rin ako. Pero yun nga, nung huling araw ng enrollment, dun ko lang nakita yung mga marka ko sa mga subjects ko. Para akong binagsakan ng buwan. Ang bigat. Kasama ko nanay ko nung mga panahong yun at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Ang hirap. Nung nasabi ko na, siya naman lalong ikina-biyak ng puso ko sa naging reaksyon niya. Hindi niya ko pinagalitan, ang pagkakatanda ko. Tinulungan pa niya akong ayusin ang problema ko. Nagpunta kami sa opisina ng University Registrar. Tinanong ng nanay ko kung ano bang pwede pang gawin. Sinabi ni UR nung una, wala na. Pero ng tignan niya ulit ang grade ko, nakita niya may kwatro. Uyyy, may pag-asa pa. Pero napakaliit na lang. Kung baga ang sitwasyon ko nung mga panahon na yun ay parang nasa binggit ng kamatayan. Either mabuhay ako o hindi. Kailangan kong kumuha ng pagsusulit para makuha yung units ng subject na yun at maging kwalipikado pa rin ako sa unibersidad. Pero napaka-delikado. Wala akong aral-aral at mahirap na subject siya(pero favorite ko naman. Haha.). Sa loob-loob ko, kung mapapatalsik man ako ng tuluyan, di ko kakayanin. O siguro kakayanin ko, pero di pa talaga ako handa. Ni hindi ako nakapagpaalam at nakapagpasalamat sa mga taong nakilala ko, na bagamat kakaunting panahon ko lang nakasama, ay nakapagbigay inspirasyon at lakas sakin nung mga panahong namumuhay akong mag-isa at nanghihina ako dahil na rin sa maraming bagay. Ni hindi ko man lang sila nakita. Tinanong nila ako, ano daw gusto kong gawin? Andudun na lang rin ako, bat pa ako aatras? Kaya nagdesisyon akong kunin ang pagsusulit. Pagkatapos ng usapan na yun, inayos namin ang mga papeles na kailangan at saka ako nag-aral kahit konti. Isang oras mahigit na lang kasi ang meron ako. Bago ako mag-aral, nanalangin ako at ang nanay ko. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasaktan sa nangyari. Pero mas naramdam ko kung gaano siya nasasaktan para sa akin. Alam niyang gusto ko mag-aral sa paaralan na yun at napakasakit para sa akin ng nangyari. Alam rin niya kung gaano ako natatakot, kaya nga ba pagkatapos naming manalangin at yakapin niya ako, bumigay ako. Napahagulgol ako. Lahat ng hindi ko masabi, nailabas ko.

Dumating ang oras ng pagsusulit, nginitian ako ng nanay ko at sinabing "Kaya mo yan. Andyan lang Siya. Hihintayin kita dito." Nabuhayan ako ng loob kahit konti. Malaman lang na andyan ang nanay ko naghihintay para sa akin, masaya nako. Pero lalo na ang malamang andiyan Siya, nag-uumapaw nako sa tuwa. Nanalangin ako bago ko tignan ang papel sa harap ko. Sabi ko, "Kung ano ang nararapat na marka para sakin dito, yun ang ibigay Mo sa'kin. Isinusuko ko na lahat sa'yo." Nakatutuwa naman at karamihan ng tanong ay yung mga nareview ko. Hindi ako nahirapan. Relaks lang ako. Thank You, Lord.

Minarkahan agad ang papel ko, kasi nga urgent ang sitwasyon ko. Nung una, sabi nung nagmarka, bagsak ka. Ayaw ko pa maniwala. Pero maya-maya sinabi niya, pasado ka. Niloloko lang pala niya ako. Putek yan. Pero thank You, Lord ulit. Tuwang-tuwa akong lumabas at sinabi sa nanay ko. Tinawagan niya agad ang tatay ko. Parang hindi daw siya nagulat nung sinabi ng nanay ko sa kaniya ang resulta, sabi niya kasi, kaya ko naman daw. Wow. Talagang may tiwala mga magulang ko sakin. Thank You, Lord.

Pagkatapos nun ay prinoseso na mga papeles ko, at binigyan ako ng blue admission slip ni UR. Oo, blue baby ako. Pero proud ako, hindi dahil sa naging sitwasyon ko pero dahil isa itong katunayan kung gaano Siya kabuti sa akin.

Hindi man kayang sagutin completely ng sitwasyong ito yung katanungan kong "Kakayin ko ba ang kolehiyo?" dahil madami pa ako lalakbayin, pero lalong nasagot nito ang tanong ko nung malaman kung pumasa ako sa unibersidad na pinag-applyan ko, "Gusto Mo ba talaga na sa Baguio ako?" Sagot Niya? "Oo."

Madami pa sana ako isusulat dito, pero masyado nako nagiging emosyonal sa tuwing naaalala ko mga itinuro Niya sakin dito. Basta ako, nagpapasalamat ako. At tulad nga ng sabi ng titulo, ""Where You lead me, I will follow."

Today Is The Dayby Lincoln Brewster 
I’m casting my cares asideI’m leaving my past behindI’m setting my heart and mind on You, Jesus
I’m reaching my hand to YoursBelieving there’s so much moreKnowing that all You have in store for me is goodIs good
Today is the dayYou have madeI will rejoice and be glad in itToday is the dayYou have madeI will rejoice and be glad in itAnd I won’t worry about tomorrowI’m trusting in what You sayToday is the day
I'm putting my fears asideI’m leaving my doubts behindI’m giving my hopes and dreams to You, Jesus
I’m reaching my hand to YoursBelieving there’s so much moreKnowing that all You have in store for me is goodIs good
I will stand upon Your truthAnd all my days I’ll live for You
Today is the dayYou have madeI will rejoice and be glad in itToday is the dayYou have madeI will rejoice and be glad in itAnd I won't worry about tomorrowI'm giving You my fears and sorrowsWhere You lead me, I will followI'm trusting in what You sayToday is the day

Labels:



← OLDER POSTS | NEWER POSTS →